Fillable Printable Paid Family Leave Program Brochure (De 2511 T)
Fillable Printable Paid Family Leave Program Brochure (De 2511 T)
Paid Family Leave Program Brochure (De 2511 T)
Para sa higit pang impormasyon,
bisitahin ang
CaliforniaPaidFamilyLeave.com
Tungkol sa California
Paid Family Leave
Maaaring may mga panahon sa buhay ng isang
nagtatrabahong indibidwal na kailangan niyang
alagaan ang isang mahal sa buhay. Ikaw man
ay isang nagtatrabahong magulang na gustong
makasama ang iyong bagong anak o inaalagaan mo
ang isang miyembro ng pamilya na may malubhang
karamdaman, binuo ang Paid Family Leave ng
California para sa mga panahon na ito.
Maiikling Impormasyon
Tungkol sa California Paid
Family Leave
• Nagbibigay ng hanggang sa anim na linggong
leave na hindi bayad nang buo upang makasama
ang isang bagong anak (maaaring bagong silang,
inampon, o itinalaga sa foster care) o upang
alagaan ang isang miyembro ng pamilya na may
malubhang karamdaman (anak, asawa, magulang,
biyenan, lolo o lola, apo, kapatid, o nakarehistrong
kinakasama).
• Nagbibigay ng humigit-kumulang 55 porsyento ng
iyong sweldo sa panahon ng iyong leave. (Tataas
ang rate ng wage replacement sa darating na
Enero 2018.)
• Pinopondohan ito sa pamamagitan ng iyong
withholding na buwis sa State Disability Insurance,
kaya malaki ang posibilidad na kwalipikado ka para
sa leave kung nagbabayad ka sa State Disability
Insurance (“CASDI” sa mga paystub) o sa isang
kwalipikadong boluntaryong plano.
• Dapat gamitin sa loob ng 12 buwan mula sa
pagpasok ng bata sa iyong pamilya.
• Hindi nagbibigay ng proteksyon sa trabaho.
Maaaring maprotektahan ang iyong trabaho
alinsunod sa ibang batas, gaya ng pederal na
Family and Medical Leave Act (FMLA) o California
Family Rights Act (CFRA).
Sa California, isa itong batas.
Mga benepisyo mula sa Paid Family Leave:
Ibinibigay sa mga mamamayan ng California
ang panahon na kailangan nila para sa
mahahalagang sandali.
TTY: 1-800-445-1312
(Hindi tumatanggap ang numerong ito ng
mga voice call.)
Dapat ipadala ang Mga Form sa Claim
sa PFL sa:
PO Box 989315
West Sacramento, CA 95798-9315
English 1-877-238-4373
Spanish 1-877-379-3819
Cantonese 1-866-692-5595
Vietnamese 1-866-692-5596
Armenian 1-866-627-1567
Punjabi 1-866-627-1568
Tagalog 1-866-627-1569
Ang EDD ay isang employer/programa para sa patas na oportunidad. Kapag
nagpadala ng kahilingan, makakakuha ng mga karagdagang tulong at serbisyo
ang mga indibidwal na may mga kapansanan. Ang mga kahilingan para
sa mga serbisyo, tulong, at/o alternatibong format ay kailangang ihain sa
pamamagitan ng pagtawag sa 1-866-490-8879 (voice). Para sa mga user ng
TTY, mangyaring tumawag sa California Relay Service sa 711.
CALIFORNIA PAID FAMILY LEAVE
Tumutulong sa
mga mamamayan
ng California para
hindi mawala sa
mahahalagang
sandali.
DE 2511/T Rev.14 (7-17) (INTERNET) Page 1 of 2 CU
Paano Kinakalkula ang
Mga Halaga ng Benepisyo?
Nagbibigay ang California Paid Family Leave ng humigit-
kumulang 55 porsyento ng iyong sweldo (mula sa $50
hanggang $1,173 kada linggo). Maaari kang pahintulutan
ng iyong employer na gumamit ng leave para sa bakasyon,
pagkakasakit, bayad na time off, o iba pang leave bilang
karagdagan sa iyong mga benepisyo mula sa PFL upang
makatanggap nang hanggang sa 100 porsyentong sweldo. Sa
Enero 2018, tataas ang rate ng wage replacement sa humigit-
kumulang 60 hanggang 70 porsyento ng iyong sweldo.
Kinakalkula ang halaga ng benepisyo mula sa iyong
pinakamataas na kita sa apat na buwan sa loob ng nakalipas
na 5 hanggang 18 buwan. Ang Employment Development
Department ay may online na calculator sa edd.ca.gov/
PFL_Calculator at makakatulong ito sa iyo na matantya ang
lingguhang halaga ng iyong benepisyo.
Proteksyon sa Trabaho
Ang California Paid Family Leave ay hindi nagbibigay ng
proteksyon sa trabaho o karapatan sa pagbabalik sa trabaho.
Gayunpaman, maaaring ibigay ang proteksyon sa trabaho
kung kailangang sumunod ang iyong employer sa pederal na
FMLA o sa CFRA. Gayundin, abisuhan ang iyong employer
tungkol sa dahilan ng iyong leave alinsunod sa patakaran sa
leave ng iyong kumpanya.
Kwalipikado Ba Ako Para Sa
California Paid Family Leave?
Upang maging kwalipikado para sa mga benepisyo ng
Paid Family Leave, dapat ay natutugunan mo ang mga
sumusunod na kinakailangan:
• Magkaroon ng saklaw sa pamamagitan ng State
Disability Insurance (o isang boluntaryong plano kapalit
ng Disability Insurance) at kumita nang hindi bababa
sa $300 sa iyong base period kung saan ibabawas ang
mga kaltas. Hindi naaapektuhan ng haba ng oras ng
trabaho sa iyong kasalukuyang trabaho ang pagiging
kwalipikado.
• Isumite ang iyong claim nang hindi mas maaga sa
9 na araw, ngunit hindi lalampas nang 49 na araw
pagkasimula ng iyong leave para sa pamilya.
• Kung kinakailangan ng iyong employer, gumamit nang
hanggang sa dalawang linggo ng alinmang naipon
maliban sa hindi pa nagagamit na leave para sa
bakasyon o bayad na time off bago ang pagtanggap ng
mga benepisyo.
• Mag-render ng 7 araw na walang bayad na panahon ng
paghihintay bago magsimula ang mga benepisyo para
sa bawat claim sa loob ng 12 buwang panahon. (Aalisin
na ang panahon ng paghihintay sa darating na Enero
2018.)
• Para lang sa mga claim sa pangangalaga: Magbigay
ng medikal na sertipikasyon na nagpapakitang ang
tatanggap ng pangangalaga ay may malubhang
kundisyong pangkalusugan at nangangailangan ng
pangangalaga.
• Para lang sa mga claim upang makasama ang anak:
Magbigay ng mga dokumento upang suportahan
ang isang claim para makasama ang isang bagong
biological, inampon, o foster na anak.
Hindi ka maaaring maging kwalipikado para sa mga
benepisyo na ito kung:
• Tumatanggap ka ng mga benepisyo mula sa Disability
Insurance, Unemployment Insurance, o workers’
compensation.
• Hindi ka nagtatrabaho o naghahanap ka ng trabaho sa
panahon
kung kailan mo sisimulan ang iyong leave para sa
pangangalaga sa pamilya.
• Hindi nababawasan ang iyong kinikita.
• Kung nakakulong ka dahil sa inihatol na isang krimen.
May karapatan kang:
• Malaman ang dahilan at batayan para sa anumang
pasyang nakakaapekto sa iyong mga benepisyo.
• Iapela ang mga pasya tungkol sa iyong pagiging
kwalipikado para sa mga benepisyo. Bisitahin ang
edd.ca.gov/Disability/Appeals.htm para sa higit pang
impormasyon tungkol sa mga apela.
• Kumpidensyal at pribado ang iyong impormasyon sa
claim, maliban sa mga layuning pinapahintulutan ng
batas.
Mag-apply Para Sa
Mga Benepisyo
Mag-apply para sa mga benepisyo ng Paid Family Leave
online gamit ang SDI Online. Maaari ding magsumite ang mga
employer at doktor/practitioner ng impormasyon sa claim sa
pamamagitan ng SDI Online. Bisitahin ang
edd.ca.gov/Disability para sa higit pang impormasyon. Maaari
ka ring maghain sa pamamagitan ng papel na form. Bisitahin
ang edd.ca.gov/Forms upang humiling ng papel na form ng
Claim for Paid Family Leave (PFL), DE 2501F (Claim para sa
Bayad na Pag-leave para sa Pamilya).
Para sa mga claim upang makasama ang anak, tiyaking
magbigay ng dokumento na katibayan ng kaugnayan kasama
ng iyong claim. Para sa mga claim sa pangangalaga, tiyaking
magbigay ng sertipikasyon mula sa doktor/practitioner.
Kung kasalukuyan kang tumatanggap ng mga benepisyo mula
sa Disability Insurance na nauugnay sa pagbubuntis, hindi
kailangang humiling ng form sa claim ng Paid Family Leave.
Ipapadala ang impormasyon sa paghahain ng claim sa iyong
SDI Online account o sa pamamagitan ng liham kapag natapos
na ang iyong disability claim kaugnay ng pagbubuntis.
Kung mayroon kang saklaw sa isang boluntaryong plano,
makipag-ugnayan sa iyong employer upang makakuha ng
impormasyon tungkol sa iyong coverage at mga tagubilin sa
paraan ng pag-apply para sa mga benepisyo.
DE 2511/T Rev.14 (7-17) (INTERNET) Page 2 of 2 CU